Friday, August 25, 2006

love song for no one

kumot at unan
apo hiking society

mabuti pa ang unan mo kasama pag gabi
mabuti pa ang kumot mo kasiping sa tabi
sa pag-uwi mo sila ang 'yong kasama
at sa pagtulog wala ng iba
iyan ba nama'y pagseselosan ko pa
kung maaari lang naman
ako na lamang sana ang maaari mong gawin na kumot at unan mo

mabuti pang panyo mo may dampi sa 'yong pisngi
at sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti
sa pag-uwi ko 'yan ang naaalala
at sa pagtulog wala ng iba
yan ba nama'y malilimutan ko pa
kung maaari lang naman ako na lamang sana
ang maaari mong gawin na kumot at unan mo

pangarap kita kahit papano pa kita isipin
pangarap kita dinggin mo sana ang aking awitin
pangarap kita gawin mo sana akong pangarap mo rin

mabuti pa ang baso may tikim ng 'yong halik
naiinggit ang labi kong laging nananabik
sa aking paggising 'yan ang naaalala
tuwing umaga wala ng iba
yan ba nama'y maiiwasan ko pa
kung maaari lang naman ako na lamang sana
ang maaari mong gawin na kumot at unan mo

kung maaari lang naman ikaw na lamang sana
ang maaari mong gawin na kumot at unan ko

No comments: